Friday, March 21, 2008

Ang Kuwento ng isang Buhay

Sa mga kwento na binabasa natin totoo man o hindi ang importante ay kung anong aral ang mapupulot natin at maisabuhay sa pang araw-araw nating ginagawa. Itong kwento ay tungkol sa isang manggagawa (OFW) sa ibang bansa.


Ang kuwento:

Simulan na natin ang kwento ng buhay ni Mr. O.F.Worker.

Si Mr. O.F. Worker ay nagtrabaho sa ibang bansa ng mahigit na 20 taon. Nakapagpatayo siya ng magandang bahay, nakabili ng sasakyan, napagtapos niya ng kolehiyo ang mga anak niya. At may negosyo ang kanyang asawa.

Pero nagtrabaho pa rin siya sa abroad kahit meron na syang bahay at tapos na ang mga anak niya. Ano ba talaga ang misyon natin sa mundong ito? Minsan nasasabi natin sa ating sarili na magkaroon lang ako ng sariling bahay at makatapos ng pag-aaral ang aking mga anak dito na lang ako sa Pinas pero madalas hindi nangyayari di ba, patuloy pa rin tayong umaalis ng bansa dahil siguro sa hirap ng buhay sa atin.

Pero hindi yun ang tunay na dahilan ang totoo lang nasanay na tayo sa nabibili natin kaagad sa ibang bansa at hindi na tayo sanay na magtiyaga at magtiis sa Pilipinas.

Balik tayo sa buhay ni Mr. O.F.Worker.

Sa edad ni Mr. Worker naranasan na niya ang lahat ng hirap at ginhawa sa buhay pero may nakaligtaan siya na pinakaimportante ang manalig sa Diyos. Paminsan minsan lang siyang magdasal kalimitan nga hindi man lang siya nagpapasalamat sa itaas sa mga biyayang ibinigay sa kanya sa araw-araw.

Kaya isang araw dumating ang sakuna sa buhay niya at sinamang palad siyang namatay. Sa kabilang buhay nagkita sila ni San Pedro, sabi niya kay San Pedro pwede na ba akong pumasok sa loob kasi ang hirap po dito sa labas sinagot siya ni San Pedro na wala kang tirahan sa loob kasi noong nasa lupa ka pa hindi ka nagpatayo ng tirahan dito. Ang ginawa mo puro materialistic na bagay sa lupa sana noong nagpapatayo ka ng bahay sa lupa at bumibili ng sasakyan sinabay mo na rin ang magpagawa ng tahanan dito. Kaya sabi ni San pedro Im sorry, hindi ka pwedeng pumasok dito sa tahanan ng aming Panginoong Jesus. Kung hindi siya nakapasok sa tahanan ng diyos saan siya pupunta? Saan siya maninirahan sa kabilang buhay? Alam na ninyo siguro ang kasagutan.


Ang Aral:

Sa buhay natin saan man tayo parte ng mundo makarating pinakaimportante ay huwag makalimot sa ating Panginoong Jesus.Hindi natin hawak ang ating buhay dito sa lupa. Magkaroon ka man ng magandang bahay , sasakyan. o negosyo dito sa lupa kung wala naman o kulang ang ating pananampalataya sa Diyos ito ay walang halaga.Hindi natin madadala sa kabilang buhay ang mga bagay na naipundar natin dito sa lupa.

Ang pagtratrabaho sa ibang bansa ay isang paraan lamang para magkaroon ng kaginhawahan ang ating mga mahal sa buhay.Malaking tulong ang magtrabaho sa ibang bansa para maibigay natin sa ating asawa at mga anak ang pangangailangang material. Pero dapat nating tandaan na pag nag-abroad maliwanag sa atin ang ating “Mission at Vision” para tayo magtagumpay sa tulong at awa ng Panginoong Jesus.

Binibigyan tayo ng biyaya ng Diyos ayon sa ating pangangailangan at hindi ayon sa ating kagustuhan.(God give us according to our needs and not according to our wants, that is a regulated blessing from God.).May kilala nga ako hindi naman nag-abroad pero lahat ng pangangailangan niya para sa pamilya niya naibigay sa pagsisikap niya dito at sa tulong ng Diyos. Napakasarap kasi ng pakiramdam na walang wala ka pero ng humigi ka sa Diyos ibinigay saiyo. Kapag ang isang tao ay hindi nakakalimot sa Diyos nire- regulate ng Diyos ang biyaya para lalo kang mapalapit sa kanya. Kasi ang tao kapag hindi regulated ang blessing niya malaki ang chance na makalimutan ang Diyos. Kasi pag-marami ka ng pera marami ka na ring pagkakaabalahan sa buhay mo ditosa lupa at iyan ang paraan ni Satanas para mapunta ka sa kanya dahil mawawalan ka na ng oras kay Jesus.. Kaya mahal ka ng diyos kapag ang blessing mo ay regulated. Huwag kang maingit sa mga mayayaman dahil mas masuerte ka kasi naranasan mo si Jesus.

Maraming nakakakilala kay Jesus pero hindi siya nararanasan. “To experience Jesus is not a matter of chance it is a matter of choice”.Para maranasan mo si Jesus kailangan piliin mo siya at hanapin mo muna ang kaharian niya at ang lahat ng pangangailangan mo dito sa lupa ay ibibigay saiyo ayon sa kalooban niya. Kaya habang may panahon pa tayo para magpagawa ng tahanan sa itaas gawin na natin para mayroon tayong matirahan kung sakaling mawala na tayo sa mundong ito. Magkakaroon lang tayo ng tahanan sa itaassa pamamagitan lamang ni Jesus. Pag wala sa buhay mo si Jesus dito sa lupa wala kang tahanan sa itaas.

Sana itong maikling kwento ay magsilbing inspirasyon para huwag tayong makalimot, at magpasalamat at patatagin ang ating pananampalataya sa Diyos.At para na rin sa iba natin kasamahan na OFW na maaaring naliligaw ng landas, may panahon pa para magpatayo ng tahanan sa itaas. Ipagdasal natin hindi lamang ang mga miyembro ng ating pamilya kundi pati ang ating kapwa at bansa.

Sana hindi tayo matulad sa buhay ni Mr. Worker na walang tahanan sa kabilang buhay.


“GOD BLESS TO ALL READERS. PLEASE FORWARD TO OTHERS “

No comments: